|| HOME || ARTWORKS || LITERARY || SHORT STORIES || DAILY || VIDEOS || CONTACT ME ||

Saturday, November 27, 2010

Labing tatlong walang kibo.

Maalinsangan ang panahon
‘di makisama sa maghapon
ubod na ng tabang
nilililok na samahan.

Ipinatunay sa mga pangyayari
‘sang maliit na sabi-sabi
ang wawasak sa dambuhalang
nilalang inalagaa’t hinabi

ubos na ang pasensya
wala nang natitira pa
sa mahabang ungutan
ngayon natin malalaman

lagot na ang pusod
Piktal nang hamak
hindi na tanod ang liwanag
sa samahang maalinsangan

Pinawisan na.
hindi na tama.

nalagot nga ba?

o nilagot ko na nga kaya?

No comments:

Post a Comment